Maaga kame umalis sa bahay kasama si badong at bugoy para kitain si dexter sa may podium (nag undertime sya). Nang sa hindi inaasahang tagpo habang kamiy papalapit na sa ortigas... ay Naalala kong, nakalimutan ko pala ang tiket namen... Uu, buti nalang naalala ko ehehehe.. kaya nag taxi ako pabalik ng bahay at kinuha ang tiket at nagkita kme sa st.francis square ng bandang alas 6 y medya. Pahirapan sumakay ng taxi dun sa ortigas pero sa kakatyga naka sakay din kme daldala ang isang litro ng 7 up, chichirya at tinapay palaman keso (binili nila badong sa st.francis) parang manunuod lang kme ng sine.
Pagdating sa Taguig
Ayos yung venue, mahangin at maaliwalas. Organisado din ang pila at ang pagkapkap. mga 5 metro ang layo ng kapkapan patungo sa entrance. Syempre madami pa ding bawal tulad ng lighter, pagkain, bottled or in can drinks. Ayos yung set up dmeng big screen... may upuan nga lang sa may vip na hindi naman ginamit sayang lang. mga 8:30 nag simula ng tumogtog ang front act nila, foreign band na hindi ko natandaan ang pangalan, kasama nila si jamir (vox ng slapshock) habang nagpeperform. Isang front act lang tapos sumalang na ang makasaysayang MCR na pinambungad ang awiting "This is how i disappear" at tinapos ng makabagbagdamdaming "Famous Last Song" aw "Famous Last Word" pala.^_^
Ok ang performance.. magaling talaga sila mag live di gaya ng ibang bandang kilala ko.. ehehe. madami din silang kinanta mga isang album siguro.. kasama na ung sa mga lumang album. madami ding taong nagpunta pero mukhang mas madaming tao sa labas na naka one sided bangs with eyeliner. Binanggit ko kanina na makasaysayan ang concert nila... dahil sa concert na yun lang hindi nasayaran ng alak ang lalamunan ko. OO badtrep!! sponsor nila ang redhorse, may mga booth ng redhorse.. Pero walang alak.. kahit yosi vendor wala. AMPopo talaga. Kaya mejo tame ang crowd. Yung Speaker nila may kahinaan kumpara sa speaker na ginagamit sa Pulp Summer Slam. Wala din host para manlang sabihin na "oi andito na MCR mag si tayu na kayo" at "Tapos na po ang palabas magsi uwe na kayo" wala!! malaking production na walang host.? tsk tsk... Tapos ang hirap pa sumakay ng taxi pauwe amputah! kami nalang ata ang naiwan sa taguig.. tulog na MCR nag aabang pa kme ng taxi. Mga sampung taxi ang pinara namen at di kme sinakay, 10 naman ang nilagpasan lang kme.. Di nako babalik sa Fort ng walang dalang sasakyan kahit bike. ^_^
Rate: 2/5
1 comment:
wala talagang mga Hosts sa mga ganyan!! sa mga pinoy lang na mga banda yung nagkakaroon ng mga hosts!!
Post a Comment