Kakabili ko lang ng tiket ka nina. Siyempre yung pinaka MURA yung binili ko pang general admission.. di naman kase pulitiko magulang ko, hehehe.. 4 binili ko, para kay dexter, badong at kat.. taong 2003 nang makapanuod ako ng malaking Rock concert, isa yun sa mga hindi ko makakalimutang pangyayare.. Pero di ko pa nararanasan manuod ng foreign solo concert d2 sa pinas.. sila pa lang ang kaunaunahan sa pagkakaalam ko.. ^_^
Di ko nagustuhan ang una nilang album (MCR).. yung may HELENA.. di ko lam kung bakit pero napakinggan ko halos lahat ng kanta sa albm na un, kumbaga sa ulam kulang sa alat.. Pero naaliw ako sa Welcome To The Black Parade na album nila.. solb na ako dun, mula sa technical hanggang sa lyrics.. ayuz.. parang binuhay nila ang tugtugan ng Queen at Scorpion na aaminin ko na pinapakinggan ko pa sa cassette tape.. (wala kase ako cd nun)
EMO daw ang bandang MCR, mahilig ako sa awitin nila kaya EMO na rin ako? hmmmm.. Teka, magkwentuhan muna tayo. Ang EMO ay hango sa emotional diba? Sabe ng kumpare kong si Bugoy, lahat naman ng kanta emotional.. Kase di mo naman makakanta ang ang pyesa mo nang walang emosyon.. At TAMA sya dun, kaya para sa akin lahat ng awitin ay EMO. binigyan lang ng label mula sa ibat ibang panig ng bansa kaya nagkaganun.. naging market na ng mga banda ang katagang EMO.. ganun din sa mga kabataan na mahilig sa itim na tshirt at hapit na pantalon, one sided hairstyle wid matching eyeliner... para sa akin, dun na papasok ang FASHION.. Paraan ng pananamit nila yun, kaya ako di ko ginagamit ang salitang POSER dahil lamang sa pananamit... May nagkwento nga sa akin dati kung panu daw nya nakaka clasify kung poser ang isang tao o hindi.. e2 ang sabi nya "Tignan mo yang mga nakasuot na CHE GUEVARRA na yan, tanungin mo kung sinu yan.. di naman nila kilala..POSER talaga." Napatawa nalang ako.. nais kung magbigay ng argumento pero di ko lam kung bat ko pinalipas.. ehehhe.. Naisip ko lang kase kung yun ang basehan mo edi POSER na tayong lahat... nagsusuot ako ng bench, pero di ko kilala si ben chan, May tshirt akong astroboy pero di ko naman pinapanuod yun, merun din akong polo shirt na thunder bird pero di ako mananabong may sapatos ako ni lebron pero hanggang ngayon eh team nya at jersey number lang ang alam ko tungkol sa kanya..
Ginagamit ko lang ang salitang POSER katumbas ng PLASTIK o pakitang tao.... Sa mga taong naglalakas lakasan pero nanghihina na ang kalooban, mga taong di matanggap ang kabiguan, di makapagdesisyon sa sarili, at walang lakas ng LOOB.. para sa akin sila ang tunay na POSER.... pero opinion ko lang yun.. ^_^
Sinu pa kaya ang manunuod ng MCR Rocks Taguig dyan?? sabay sabay na tau.. ^_^
No comments:
Post a Comment