Wednesday, January 16, 2008

IDENTITY


Napanuod ko sya nung martes sa qtv 11, host dito si Penn Jillette..
Maganda ung formt ng game.. May 12 strangers na nasa stage, pagkatapos makita ng contestant ang 12 strangers ay ipapakita naman sa kanya ang 12 list of identities na pamimiliian niya. Pag nahulaan ang identity ng 12 strangers mananalo ang contestant ng $0.5M Nakakalibang dahil sa umpisa parang madali, halimbawa yung sumo wrestler na obvious naman kase naka pang sumo na damit at sobrang laki.. Pero may mga mahihirap din dahil may stranger na long-hair w/ leather jacket na isang nuclear phycisist.
Isa pang bagay kaya ako napatambay sa gameshow na ito eh dahil sa titulo. IDENTITY.. Madami kasi sa atin ang mahilig magbigay ng label base sa kasuotan ng isang tao. Nanjan na ang pagiging EMO, PUNK, Rakista, Nerd, Baduy, Manang, at Patapon. Pero madami pa rin ang nangangapa kung anu ba talagang IDENTITY nya.. madami pa na hanggan sa ngayon eh may identity crisis. Sa dami ng mga nakaka impluwensya sa kanya mula sa kapitbahay, kaeskwela at ng media. Hirap pa din makapag pasya kung paano sya matatanggap o magrerebelde sa lipunang kanyang ginagalawan. Normal lang ito sa puberty age pero kung beynte singko anyos kana, nakakatakot na to.. Dapat alam mo na ang gusto mo, at ayaw mo. Huwag mo nang hayaang diktahan ka ng kapaligiran kung anu ang dapat mong gustuhin. At kung anung dapat mong kamuhian. Alam mo na kung ang liko mo ay pakanan o pakaliwa, kung didiretso ka ba o aatras na. Ikaw na ang magmamaniobra ng hinaharap mo.. kung may humarang man, diskarte mo na kung iiwasan mo o sasagasaan mo. Kahit mali o tama ang desisyon ang importante eh nagdesisyon ka ng sarili mo, kahit sablay sa agos. Kaya kung patuloy mo pa ring binabasa ang nakalilitong pahayag ko eh desisyon mo yan. Kung nasisiyahan ka sa buhay mo ngayon eh sige lang ipagpatuloy mo pero kung hindi naman, huwag mong tapusin... mas masarap mabuhay ng nagrereklamo, kesa pulutanin ng uod ng walang kalaban laban.....