Thursday, January 03, 2008

Goodbye 2007, Hello 2008!

Maayos naman ang naging kabuuan ng taon, maaliwalas at payapa. May mga problema pero ok lang, sakto lang kumbaga. Ayon sa Chinese calendar ay taon ko ngayon at uulanin ako ng swerte at babahain ng salapi (yung huli eh gawa-gawa ko lang) .
Pero mukhang na bwena manuhan ako dahil simula palang ng taon eh nagtae na agad ako, na hanggang ngayon ay di ko pa rin sigurado ang kadahilanan. Kung ito bay dulot ng lechon o ng fruit salad o pareho?..
Tulad ng nakakaraming Pinoy nais ko ding gumawa ng sarili kong New Years Resolution (inggetero ako eh) at eto ang ilan:

Una: hmmmm anu kaya??? waaaah wala ako maisip eh next year na lang siguro, ngayong taon eh pag iisipan ko muna kung anu ang aking resolution...