Thursday, January 31, 2008
What is YUWIE for a noob like me
Wednesday, January 30, 2008
Social Networking that pays the user...
Sunday, January 27, 2008
Modus Operandi sa Bus
napulot ko ang sulat na ito sa ygroups.. ipakalat ang kabulastugan ng mga bus driver at kunduktor.. mga PISTI sila!
Para sa mga sumasakay sa Bus...pakibasa ito at iforward sa mga kakilala nyo.
LAGING MAG-INGAT.
From: Uy, Rachelle C. Z.
Sent: Monday, November 12, 2007 1:42 PM
Subject: FW: [NON-WORK] Modus Operandi sa Bus
(True story)
hindi ko na sana ikukwento kasi akala ko aksidente lang.....
AKALA KO AKO LANG!...UNG PALA MERON PANG IBA NA MABIBIKTIMA NG GANITONG
SISTEMA...PAANO NA KUNG UN LANG ANG NATITIRA MONG PERA AT MALAYO PA ANG
PUPUNTAHAN MO...kawawa ka naman....maglalakad ka....
(based on my own experience sa isang aircon bus....)
last september 6, 2007, 4pm ako ay nagpunta sa cubao at bumili ng ticket
(going to baguio) sa victory liner cubao. sumakay ako ng aircon bus from
victory liner (cubao) to robinsons galleria (going back sa office in
ortigas)
...ang pamasahe po ay P10 from cubao to robinsons galleria... at ako po ay
nagbigay ng P100 sa kundoktor...binigyan nya ako ng ticket worth P10 at
kinuha ung 100pesos na binayad ko, sabay sabi na sandali lang wala akong
baryang panukli. So, pagdating sa may P Tuazon (near araneta center)...pina
alala ko uli ung sukli ko sa konduktor...tinanong nya ako, "san ka nga uli
baba'?." sumagot ako na..."sa may robinsons galleria lang!"......."malayo
ka pa naman eh...sandali lang"...sabi ng kundoktor
so, pagdating ng VV Soliven... lumipat ako ng upuan (3rows before the
driver , at the right side of the bus). Pagdating ng SEC (near ortigas
ave.) kinukuha ko na ung sukli ko...hindi kumibo ang
kundoktor...(luminga-linga lang) parang deadma ba?....
Nang patawid na ng ortigas ave. (stoplight)...tumayo ako at nilapitan ko
ung konduktor na naka upo sa tabi nung driver...hiningi ko ung sukli ko...
eto ang sabi nya sa'kin..."PATINGIN NGA NG TICKET MO?.,... sabay inabot
ko...
sabi ng kundoktor..."Eh WALA NAMAN AKONG SINULAT (note) SA LIKOD NG TICKET
MO ..TAPOS HIHINGI KA NG SUKLI!!!.... TARANTADO KA PALA EH... medyo mag
init ang ulo ko sa sinabi nya... kaya sumagot ako... na ..TARANTADO KA
RIN!!!...KANINA KO PA SINASABI NA ...UNG SUKLI KO SA P100 NA BINIGAY KO...
dun na kami nagkasagutan....at may dumikit sa akin na lalaki at sinabihan
ako na ...."PRE,,WALA KA NAMAN INAABOT NA 'SAN DAANG PISO eH...TAPOS
HIHINGI KA NG SUKLI!!!..
tumayo ako malapit sa pinto..malapit sa driver...at sinabi ko ung ginawa
nung kundoktor nya....
eto ang sabi nung driver.... 'ABA..PARE...HINDI KO ALAM YAN...BAKA NAMAN
WALA KA TALAGANG BINIBIGAY NA P100 DUN SA KUNDOKTOR KO...(sa pagkakataong
ung...tatlo na ang nakikipagtalo sa akin... ung kondukto,.,,ung driver at
ung isang lalaki na nakaupo sa may likuran ng driver...
Sabi ko sa sarili ko...agrabyado ako pag nakagulo...kaya sinabihan ko ung
driver na...baba na ako. ..sabi ko..."BUKSAN MO UNG PINTO...BABABA NA
AKO..LAMLAMPAS AKO. HINDI AKO MAKIKIPAG BASAGAN NG MUKHA SA INYO SA
HALAGANG P90 PESOS (sukli)...SA INYO NA LANG UNG SUKLI KO...(sa
pagkakataong ung, ...ung bus ay nakahinto sa may tawiran sa harap ng
POEA...pero hindi nya binubuksan ung pinto...hanggan sa umarangkada na uli
ung bus..)
Sa may tapat ako ng DOLMAR BLDG (fronting POVEDA near Ortigas MRT Station)
ako ibinaba...na kung saan eh..wala ng mga traffic aide na mapagsusumbongan
ng kalokohan hila...
So...after one month...nakalimutan ko na ung nangyari....
Last October 30, 2007 (Tuesday) around 6:15pm...pauwi na ako galing ortigas
going to makati (guadalupe tulay)...
May isang babae na kasakay ko sa bus....na nagrereklamo sa kundoktor at
driver....na hindi rin binibigay ung sukli.
Sya daw ay galing sa may Timog ...sya ay baba sa may Boni....
Naalala ko ung nagyari sa'kin ...nang biglang may "LALAKI" na tumayo sa may
kabilang upuan at sinabihan ung 'BABAE" na ...
"MISS...MISS...SINGKWENTA PESOS LANG UNG BINIGAY MO SA KUNDOKTOR...KITANG
KITANG KO"....
Sa galit nung babae...akmang baba na sa may tapat ng 'Jollibee Boni"...nang
biglang isinara nung driver ung pinto....at tsaka pinatakbo na matulin ung
bus...hanggan sa makarating sa may tapat ng "PUGON"...(bilihan ng tinapay
malapit na sa tulay)....
Dun ko na pag tanto ung nang yari sa'kin...parehong-pareho ng ginawa dun sa
babae...
Bago ako...bumaba sa may Guadalupe tulay (Loyola)...tiningnan ko ung
driver,,,ung kundoktor at ung "LALAKI" na kumatig dun sa kundoktor....
Magkaka-kilala pala sila....at nagtatawanan pa...
Akala ko ako lang ang nakapansin sa nangyari...
pag sakay ko ng jeep papuntang DELPAN....may "MAMA" na bumati sa
akin...sabi nya..."PARE, KALA KO KANINA...TUTULUNGAN MO UNG BABAE...un
hindi sinuklian?... "KASI NAKITA KO UNG MGA KA-KONTSABA NUNG DRIVER AT
NUNG KONDUKTOR....UNG ISA...HINDI NAGSALITA PERO LUMAPIT SA MAY LIKOD
MO....KAYA AKO...LUMIPAT DIN AKO ...KASI TWO YEARS AGO...NAKA EXPERIENCE
AKO NANG GANYAN SA MAY BALINTAWAK...SINAKSAK UNG ISANG PASAHERO...KAWAWA
NAMAN...GANYAN ANG MODUS OPERANDI NILA SA BUS....KAYA NGA PAG SUMASAKAY AKO
NG BUS...PALAGI AKONG MAY DALANG BARYANG PANG BAYAD...
so samakatuwid...hindi lang pala holdaper at snatcher ang titinang mo sa
bus....kawawa naman tayo...parehang kung mamuhay....paano na tayo...????
Sa inyong lahat...lagi po sana tayong mag iingat....
Salamat po.
Paki pasa na lang po...baka makatulong kahit konti
Saturday, January 26, 2008
The MCR Experience
Maaga kame umalis sa bahay kasama si badong at bugoy para kitain si dexter sa may podium (nag undertime sya). Nang sa hindi inaasahang tagpo habang kamiy papalapit na sa ortigas... ay Naalala kong, nakalimutan ko pala ang tiket namen... Uu, buti nalang naalala ko ehehehe.. kaya nag taxi ako pabalik ng bahay at kinuha ang tiket at nagkita kme sa st.francis square ng bandang alas 6 y medya. Pahirapan sumakay ng taxi dun sa ortigas pero sa kakatyga naka sakay din kme daldala ang isang litro ng 7 up, chichirya at tinapay palaman keso (binili nila badong sa st.francis) parang manunuod lang kme ng sine.
Pagdating sa Taguig
Ayos yung venue, mahangin at maaliwalas. Organisado din ang pila at ang pagkapkap. mga 5 metro ang layo ng kapkapan patungo sa entrance. Syempre madami pa ding bawal tulad ng lighter, pagkain, bottled or in can drinks. Ayos yung set up dmeng big screen... may upuan nga lang sa may vip na hindi naman ginamit sayang lang. mga 8:30 nag simula ng tumogtog ang front act nila, foreign band na hindi ko natandaan ang pangalan, kasama nila si jamir (vox ng slapshock) habang nagpeperform. Isang front act lang tapos sumalang na ang makasaysayang MCR na pinambungad ang awiting "This is how i disappear" at tinapos ng makabagbagdamdaming "Famous Last Song" aw "Famous Last Word" pala.^_^
Ok ang performance.. magaling talaga sila mag live di gaya ng ibang bandang kilala ko.. ehehe. madami din silang kinanta mga isang album siguro.. kasama na ung sa mga lumang album. madami ding taong nagpunta pero mukhang mas madaming tao sa labas na naka one sided bangs with eyeliner. Binanggit ko kanina na makasaysayan ang concert nila... dahil sa concert na yun lang hindi nasayaran ng alak ang lalamunan ko. OO badtrep!! sponsor nila ang redhorse, may mga booth ng redhorse.. Pero walang alak.. kahit yosi vendor wala. AMPopo talaga. Kaya mejo tame ang crowd. Yung Speaker nila may kahinaan kumpara sa speaker na ginagamit sa Pulp Summer Slam. Wala din host para manlang sabihin na "oi andito na MCR mag si tayu na kayo" at "Tapos na po ang palabas magsi uwe na kayo" wala!! malaking production na walang host.? tsk tsk... Tapos ang hirap pa sumakay ng taxi pauwe amputah! kami nalang ata ang naiwan sa taguig.. tulog na MCR nag aabang pa kme ng taxi. Mga sampung taxi ang pinara namen at di kme sinakay, 10 naman ang nilagpasan lang kme.. Di nako babalik sa Fort ng walang dalang sasakyan kahit bike. ^_^
Rate: 2/5
Wednesday, January 16, 2008
IDENTITY
Napanuod ko sya nung martes sa qtv 11, host dito si Penn Jillette..
Maganda ung formt ng game.. May 12 strangers na nasa stage, pagkatapos makita ng contestant ang 12 strangers ay ipapakita naman sa kanya ang 12 list of identities na pamimiliian niya. Pag nahulaan ang identity ng 12 strangers mananalo ang contestant ng $0.5M Nakakalibang dahil sa umpisa parang madali, halimbawa yung sumo wrestler na obvious naman kase naka pang sumo na damit at sobrang laki.. Pero may mga mahihirap din dahil may stranger na long-hair w/ leather jacket na isang nuclear phycisist.
Isa pang bagay kaya ako napatambay sa gameshow na ito eh dahil sa titulo. IDENTITY.. Madami kasi sa atin ang mahilig magbigay ng label base sa kasuotan ng isang tao. Nanjan na ang pagiging EMO, PUNK, Rakista, Nerd, Baduy, Manang, at Patapon. Pero madami pa rin ang nangangapa kung anu ba talagang IDENTITY nya.. madami pa na hanggan sa ngayon eh may identity crisis. Sa dami ng mga nakaka impluwensya sa kanya mula sa kapitbahay, kaeskwela at ng media. Hirap pa din makapag pasya kung paano sya matatanggap o magrerebelde sa lipunang kanyang ginagalawan. Normal lang ito sa puberty age pero kung beynte singko anyos kana, nakakatakot na to.. Dapat alam mo na ang gusto mo, at ayaw mo. Huwag mo nang hayaang diktahan ka ng kapaligiran kung anu ang dapat mong gustuhin. At kung anung dapat mong kamuhian. Alam mo na kung ang liko mo ay pakanan o pakaliwa, kung didiretso ka ba o aatras na. Ikaw na ang magmamaniobra ng hinaharap mo.. kung may humarang man, diskarte mo na kung iiwasan mo o sasagasaan mo. Kahit mali o tama ang desisyon ang importante eh nagdesisyon ka ng sarili mo, kahit sablay sa agos. Kaya kung patuloy mo pa ring binabasa ang nakalilitong pahayag ko eh desisyon mo yan. Kung nasisiyahan ka sa buhay mo ngayon eh sige lang ipagpatuloy mo pero kung hindi naman, huwag mong tapusin... mas masarap mabuhay ng nagrereklamo, kesa pulutanin ng uod ng walang kalaban laban.....
Tuesday, January 15, 2008
your name hidden meaning
What Eric Means |
You are friendly, charming, and warm. You get along with almost everyone. You work hard not to rock the boat. Your easy going attitude brings people together. At times, you can be a little flaky and irresponsible. But for the important things, you pull it together. You are wild, crazy, and a huge rebel. You're always up to something. You tend to be pretty tightly wound. It's easy to get you excited... which can be a good or bad thing. You are very open. You communicate well, and you connect with other people easily. |
Monday, January 14, 2008
MCR CONCERT
Kakabili ko lang ng tiket ka nina. Siyempre yung pinaka MURA yung binili ko pang general admission.. di naman kase pulitiko magulang ko, hehehe.. 4 binili ko, para kay dexter, badong at kat.. taong 2003 nang makapanuod ako ng malaking Rock concert, isa yun sa mga hindi ko makakalimutang pangyayare.. Pero di ko pa nararanasan manuod ng foreign solo concert d2 sa pinas.. sila pa lang ang kaunaunahan sa pagkakaalam ko.. ^_^
Di ko nagustuhan ang una nilang album (MCR).. yung may HELENA.. di ko lam kung bakit pero napakinggan ko halos lahat ng kanta sa albm na un, kumbaga sa ulam kulang sa alat.. Pero naaliw ako sa Welcome To The Black Parade na album nila.. solb na ako dun, mula sa technical hanggang sa lyrics.. ayuz.. parang binuhay nila ang tugtugan ng Queen at Scorpion na aaminin ko na pinapakinggan ko pa sa cassette tape.. (wala kase ako cd nun)
EMO daw ang bandang MCR, mahilig ako sa awitin nila kaya EMO na rin ako? hmmmm.. Teka, magkwentuhan muna tayo. Ang EMO ay hango sa emotional diba? Sabe ng kumpare kong si Bugoy, lahat naman ng kanta emotional.. Kase di mo naman makakanta ang ang pyesa mo nang walang emosyon.. At TAMA sya dun, kaya para sa akin lahat ng awitin ay EMO. binigyan lang ng label mula sa ibat ibang panig ng bansa kaya nagkaganun.. naging market na ng mga banda ang katagang EMO.. ganun din sa mga kabataan na mahilig sa itim na tshirt at hapit na pantalon, one sided hairstyle wid matching eyeliner... para sa akin, dun na papasok ang FASHION.. Paraan ng pananamit nila yun, kaya ako di ko ginagamit ang salitang POSER dahil lamang sa pananamit... May nagkwento nga sa akin dati kung panu daw nya nakaka clasify kung poser ang isang tao o hindi.. e2 ang sabi nya "Tignan mo yang mga nakasuot na CHE GUEVARRA na yan, tanungin mo kung sinu yan.. di naman nila kilala..POSER talaga." Napatawa nalang ako.. nais kung magbigay ng argumento pero di ko lam kung bat ko pinalipas.. ehehhe.. Naisip ko lang kase kung yun ang basehan mo edi POSER na tayong lahat... nagsusuot ako ng bench, pero di ko kilala si ben chan, May tshirt akong astroboy pero di ko naman pinapanuod yun, merun din akong polo shirt na thunder bird pero di ako mananabong may sapatos ako ni lebron pero hanggang ngayon eh team nya at jersey number lang ang alam ko tungkol sa kanya..
Ginagamit ko lang ang salitang POSER katumbas ng PLASTIK o pakitang tao.... Sa mga taong naglalakas lakasan pero nanghihina na ang kalooban, mga taong di matanggap ang kabiguan, di makapagdesisyon sa sarili, at walang lakas ng LOOB.. para sa akin sila ang tunay na POSER.... pero opinion ko lang yun.. ^_^
Sinu pa kaya ang manunuod ng MCR Rocks Taguig dyan?? sabay sabay na tau.. ^_^
Thursday, January 03, 2008
Goodbye 2007, Hello 2008!
Pero mukhang na bwena manuhan ako dahil simula palang ng taon eh nagtae na agad ako, na hanggang ngayon ay di ko pa rin sigurado ang kadahilanan. Kung ito bay dulot ng lechon o ng fruit salad o pareho?..
Tulad ng nakakaraming Pinoy nais ko ding gumawa ng sarili kong New Years Resolution (inggetero ako eh) at eto ang ilan:
Una: hmmmm anu kaya??? waaaah wala ako maisip eh next year na lang siguro, ngayong taon eh pag iisipan ko muna kung anu ang aking resolution...