Pag gising ko kaninang umaga inabangan ko na agad sa telebisyon ang balita... tiniyak ko kse kung may pasok kme o wala... walang pasok sa CEU pero dahil sa QC ave. ako nag iintern, may pasok kme.. Napanood ko pa ang mga eksenang papaalis na si ERAP pa puntang sandiganbayan.. pero dahil malelate nko.. pumasok nko.. Inabangan ko ang magiging hatol, kaya tinext ko si kat at sinabing itxt sa akin ang hatol kay ERAP.. Hindi ako ERAP loyalist pero nakaka lungkot pa rin ang nangyare sa kanya.. sa pagkakaalam ko eh 72 y/o na sya tapos hahatulan ng 30-40 yrs na pagkakabilanggo.. huwaw.. pero sabi nga nila ang batas ay batas.. si GLORIA kaya kelan ang conviction??? Helo GArci??? haay.. mukhang malabo naman un kse andme nyang bataan sa mababang kapulungan... kya ipagdadasal ko na lamang na huwag umabot ng ganun ang paghusga ng tao sa kanya...
madaming natuwa sa desisyon, pero mas madameng nalungkot... pero tuloy pa rin ang buhay sa ilalim ng kasakiman at dayaan...