Friday, January 15, 2010

Who wants to be the Next President?


Magkano ba talaga ang kailangan mong gastusin para maging isang pangulo?
Ang sweldo ng Pangulo ng Pilipinas ayon sa EO 611 Republic Act 6758
ay Php 63,525. At sa loob ng anim na taon (kung matatapos niya ang kanyang termino)
ay aabot sa Php4,573,800

Talakayin natin ang gastos sa campaign Ads.
Ang isang matinong campaign ads ay aabot ng 300K-1M pesos
ang cost of production, pwera pa ang mga royalty at mga talent fees.
Sunod naman ay yung pag ere nito sa primetime ng mga malalaking network.
Maglalaro ang presyo nyan sa 100K, 75K, 50K, 25K. Depende sa kinuha nilang package at
sa timeslot. Pero halata na naman kung sino sa mga pulitiko ang nakakuha ng madaming timeslot
o madaming pambayad sa commercials. Ikaw na ang maligo sa dagat ng basura. LOL
Sa tantya nyo mga magkano nakaya ang nagagastos nila? At sa paanong paraan nila babawiin ang
kanilang nagastos? Nakakalungkot lang isipin na ang hinahangad nating pagbabago ay ginagawang negosyo ng iilan. Pero ika nga nila "That's how we play the game"

DI PO AKO MAGNANAKAW... pero tumatanggap po ako ng regalo :)