Wednesday, January 13, 2010

POKER: Game of LUCK or SKILLS?



Baguhan lang ako sa larong ito, pero para sa akin maituturing ko ang poker bilang isang sports na katulad ng billiard at chess. May nagaganap mang tayaan hindi naman nangangahulugang ito ay isa nang sugal. Hinahalintulad ko lang ang Buy-in na parang entrance fee to play the game. Parang kung panong naniningil ang computer shop at Billiard house sa bawat oras ng paglalaro mo. Sa aking opinyon ang sugal ay swertihan lang, tumataya ka muna bago mo makita ang baraha mo. Sa larong ito kailangan mo munang makita yung baraha mo bago ka tumaya (unless BB ka or SB). Kung Hindi maganda nakuha mong baraha pwede ka na mag Fold. At dyan naman papasok ang skills sa paglalaro ng poker dahil pwede mo paring laruin ang baraha sa gusto mong paraan. Diskarte mo nalang kung pano mo babasahin ang kilos at galaw ng kalaban at pati ang paraan ng kanilang pagtaya. Sa ngayon enjoy kame sa paglalaro ng poker at dumarami na kame sa grupo. mga baguhan man eh pinipilit ding matuto upang maging eksperto balang araw. :) -TenFivePokerClub