Bakit ang pera may mukha? Bakit ang mukha walang pera?
O ang pera nga naman, O ang pera nga naman
O ang tao nga naman... mukhang pera.
Nag aral ka ng elementarya hanggang highschool, kung medyo sinuwerte at masipag, pwede ring magtapos ng kurso sa kolehiyo. Pero ang endpoint? trabaho, negosyo, propesyon o bokasyon = PERA.
Para sa akin pangunahing pangangailangan na ang pera. Malamang na maraming sasalungat. Pero mahirap talagang mabuhay ng walang pera. Pagkain, tubig, kuryente isama mo pa ang renta sa bahay. Pera-pera na ang usapan, pag madami kang pera "BIG STACK BULLY" ka na.
Narinig ko nga noon sa isang speaker ang katagang ganito... "Money cannot buy happinesss, But money can buy things that can make you happy." Pasok! Sapol!.... Paikot-ikutin man dun din nauwe.
Nag aral ako ng kolehiyo sa isang unibersidad sa mendiola. Ang average tuition fee per sem ay P35,000. Pumasok ako ng 13 semesters, 2 summer class at 1 review class. Kung susumahin, umabot sa P531,000 ang ginastos ko sa unibersidad maliban pa sa mga extra fees na sinisingil ng iba't-ibang clubs and organizations na taon taon ata kung mag increase. 110 days ang average na school days kada semester, nagbabaon ako ng P250 kada araw. Umabot ng humigit P384,500 ang kabuuang baon ko kasama na ang 2 summer class. Kung Pagsasamahin mo lahat, aabot siya nang P915,500. Puwera pa jan ang mga school projects, mga ginastos sapasyenteng requirements sa clinic subjects. Halos 1 milyon ang ginastos ng magulang para makapagtapos ang anak, Malaking investment hindi ba? Kaya nga ang biruan naming magkakaklase na sana nag negosyo nalang kame, at pinagsama-sama yung mga pera na pang paenrol sana namen.
Pero tapos na nga at eto na, humaharap sa tunay na laban. Laban sa kahirapan. Di naman tayo mananalo kung puro reklamo ang ibabato naten. Ang buhay ay parang sugal, pwede kang tumaya ng malaki , para pag nanalo malaki rin. Pwede rin namang pa unti-unti ang taya. Ang bawat desisyon ay may kasamang responsibilidad. Ang prebiliheyong nakakamtan ay may hangganan. Sa bawat diskarte, dapat tandaan na ang tao ay may limitasyon. Kaya lang .. madalas akala naten naabot na natin ang limitasyon na yon... Di pa pala tayo nangangalahati.