Wednesday, July 08, 2009

Huntahan vol.1

usapan ng dalawang magkaibigan sa isang inuman..

Pepe: Chong, naaprubahan na yung resolution 1109 sa kongreso.. Astig nga kase talagang pinagpuyatan pa nila yun ah. bilib talaga ako sa mga mambabatas naten.

Choy:Dapat kalang talagang bumilib, biro mo na madali nila ang pag apruba nun, samantalang yung ibang resolusyon jan eh ilang taon nang naka teng'ga

Pepe:Teka, parang ang tabang ng dating sayo ng Con ass na yun ah, eh nakasulat naman sa resolusyon na hindi ma eextend o mapapaiksi ang termino ng mga senador, congressman at ng Pangulo at bise. So, wala kang dapat ipag alala, saka nakasulat din dun ang kasiguruhan ng 2010 election.

Choy: Sa totoo lang, gusto ko rin naman ma-rebisa at ma-amyendahan ang konstitusyon naten.. Ang di ko lang gusto eh, ginagawa nila ito sa panahon na kung saan ang nakaupo bilang pangulo ay may malaking kontrobersyang kinakaharap. Yung tipong negative na ang popularity rate, sa dami ng eskandalong kinaharap.. Hello? hello? naalala mo pa ba yun?

Pepe: Hahaha, hello gary nga ba yun? nakalimutan ko na sa sobrang dameng eskandalo ang napanuod ko sa youtube lately.. Pero kung sabagay maski ako di parin ako naniwala na siya ang nanalo bilang pangulo noong nakaraang presidential election eh.

Choy: Kaya nga eh, bakit ba nila minamadali? may hinahabol ba sila?

Pepe: Baka naman kase nakapag advance na sa kanila.. Hahahaha! wasak!

Choy: Yun lang.,. kaya halos lahat ng kongresista lalo na sa lugar naten bumoto pabor sa con ass. kala ko pa naman representative sila ng distrito naten. Pero pakiramdam ko ngayon di naman nila nirepresenta ang gusto ng mga tao dito sa atin.

Pepe: Eh bayad na eh.. Saka yun naman ata yung ginagamit nila para sa mga project nila na pantulong sa mga kababayan nateng nangangailangan. Nakikita mo naman yung pila sa opisina ni congressman diba? Yung mga humihingi ng tulong pampagamot, pampaospital, pampalibing at kung anu pa.

Choy: Sana nga dun napupunta, para makakuha naman ng pabor kahit papano.. baka kase pinambili lang ng yate at mansyon..

Pepe: Edi di mo na sila iboboto sa susunod na eleksyon?
Choy: Di na siguro, kahit na matalo ang iboboto ko basta di ko na bibigay sa kanila ang boto ko. Eh ikaw chong?

Pepe: Eh sila lang naman ang matinong kandidato dito sa lugar naten, alangan namang iboto ko ang isang laos na singer o yung dating artista na namamaril ng akyat bahay. haha baka lahat ng bodyguard nun naka cowboy hat at nakasakay sa kabayo.. wasak!

Choy:Kung sabagay may punto ka dun eh, sa sobrang dumi ng pulitika dito parang gusto ko nang maniwala na lahat nabibili ng pera. Pati boto ng congressman..

Pepe: Kahit ilang beses ka pa mag rally inde na matitibag yan.. lalo na yung mga ganid sa kapangyarihan. Kaya ako sunod nalang sa agos. Tutal tatanda rin naman yang mga yan.. ma dededz din. wahehehe..

Choy: Yun nga rin nasa isip ko eh, pero tingin ko may magagawa pa ako.... kahit sa maliit na paraan..

Pepe: Hmmm at ano nanaman yan? baka kwentong lasheng nanaman yan ah...

Choy: Inde pare, seryoso to.

Choy: Lapit ka ng konti at ibubulong ko sayo
(lumapit si PEPE at ibinulong ni Choy ang pinaplano nya... medyo matagal..... mga 3 minuto silang nagbulungan.. nang bigla silang nagulat sa narinig nilang tinig mula sa likuran)


Waiter: Sir, LAST ORDER na po.....