Friday, July 17, 2009
Thursday, July 16, 2009
Friday, July 10, 2009
Pera Pera lang yan!
Bakit ang pera may mukha? Bakit ang mukha walang pera?
O ang pera nga naman, O ang pera nga naman
O ang tao nga naman... mukhang pera.
Nag aral ka ng elementarya hanggang highschool, kung medyo sinuwerte at masipag, pwede ring magtapos ng kurso sa kolehiyo. Pero ang endpoint? trabaho, negosyo, propesyon o bokasyon = PERA.
Para sa akin pangunahing pangangailangan na ang pera. Malamang na maraming sasalungat. Pero mahirap talagang mabuhay ng walang pera. Pagkain, tubig, kuryente isama mo pa ang renta sa bahay. Pera-pera na ang usapan, pag madami kang pera "BIG STACK BULLY" ka na.
Narinig ko nga noon sa isang speaker ang katagang ganito... "Money cannot buy happinesss, But money can buy things that can make you happy." Pasok! Sapol!.... Paikot-ikutin man dun din nauwe.
Nag aral ako ng kolehiyo sa isang unibersidad sa mendiola. Ang average tuition fee per sem ay P35,000. Pumasok ako ng 13 semesters, 2 summer class at 1 review class. Kung susumahin, umabot sa P531,000 ang ginastos ko sa unibersidad maliban pa sa mga extra fees na sinisingil ng iba't-ibang clubs and organizations na taon taon ata kung mag increase. 110 days ang average na school days kada semester, nagbabaon ako ng P250 kada araw. Umabot ng humigit P384,500 ang kabuuang baon ko kasama na ang 2 summer class. Kung Pagsasamahin mo lahat, aabot siya nang P915,500. Puwera pa jan ang mga school projects, mga ginastos sapasyenteng requirements sa clinic subjects. Halos 1 milyon ang ginastos ng magulang para makapagtapos ang anak, Malaking investment hindi ba? Kaya nga ang biruan naming magkakaklase na sana nag negosyo nalang kame, at pinagsama-sama yung mga pera na pang paenrol sana namen.
Pero tapos na nga at eto na, humaharap sa tunay na laban. Laban sa kahirapan. Di naman tayo mananalo kung puro reklamo ang ibabato naten. Ang buhay ay parang sugal, pwede kang tumaya ng malaki , para pag nanalo malaki rin. Pwede rin namang pa unti-unti ang taya. Ang bawat desisyon ay may kasamang responsibilidad. Ang prebiliheyong nakakamtan ay may hangganan. Sa bawat diskarte, dapat tandaan na ang tao ay may limitasyon. Kaya lang .. madalas akala naten naabot na natin ang limitasyon na yon... Di pa pala tayo nangangalahati.

Wednesday, July 08, 2009
25 things i've learned in 25 years (and my life is still trying...)
1* Ang gupit-binata ay mas bagay sa bata.
2* I-check ang takip ng paminta bago itak-tak.
3* Laging magbaon ng tissue lalo na pag sa Mall ang punta.
4* Lahat ng lasing ay sumusuka, nilulunon lang nung iba para walang ebidensya. ^_-
5* Di ka mangangamoy alak sa flavored lambanog (bubblegum).
6* Huwag na huwag I-vandal ang comlete name. Hal: Eric I. Culian
7* Masarap mag ulam ng Monggo pag biyernes.
8* Ang tagalog ng Okra ay Ladies' Finger.
9* Pinipili ang magiging kaibigan.
10* Ang apir! ay hango sa salitang ingles na "up here".
11* Ang salitang "BEK" na madalas gamitin sa paglalaro ng bek-bekan (basketbol) ay mula sa salitang ingles na "BACK".
12* Mas Idol ko si Vingo and Jimmy kaysa kay April Boy.
13* May PORSYENTO sa bawat PROYEKTO.
14* Di lahat ng pulitiko kurakot ; Di lahat ng isda marunong lumangoy
15* Di bale nang tamad, di naman pagod.
16* May hangganan ang kasamaan ; Everybody dies. ^_^
17* Posible ang pagsisisi sa unahan.
18* Ang Debut ay pamantayan ng magulang kung nakaipon ba sila after 18 yrs. ng pamumuhunan.
19* Ang lahat ng kinakasal ay naghihiwalay. bago ka kumontra basahin mo uli.
20* Nag eevolve na ang kabataan.. 13 is the new SIXTEEN.
21* Mahirap paligayahin ang madaming gusto.
22* Mas marami ang natatawa kaysa natutuwa.
23* Lahat ng normal na tao ay na late na. Kung kumokontra ka basahin mo uli.
24* Mas madaming pera, mas malaki ang gastos.
25* Napapanis ang laway.

Huntahan vol.1
usapan ng dalawang magkaibigan sa isang inuman..
Pepe: Chong, naaprubahan na yung resolution 1109 sa kongreso.. Astig nga kase talagang pinagpuyatan pa nila yun ah. bilib talaga ako sa mga mambabatas naten.
Choy:Dapat kalang talagang bumilib, biro mo na madali nila ang pag apruba nun, samantalang yung ibang resolusyon jan eh ilang taon nang naka teng'ga
Pepe:Teka, parang ang tabang ng dating sayo ng Con ass na yun ah, eh nakasulat naman sa resolusyon na hindi ma eextend o mapapaiksi ang termino ng mga senador, congressman at ng Pangulo at bise. So, wala kang dapat ipag alala, saka nakasulat din dun ang kasiguruhan ng 2010 election.
Choy: Sa totoo lang, gusto ko rin naman ma-rebisa at ma-amyendahan ang konstitusyon naten.. Ang di ko lang gusto eh, ginagawa nila ito sa panahon na kung saan ang nakaupo bilang pangulo ay may malaking kontrobersyang kinakaharap. Yung tipong negative na ang popularity rate, sa dami ng eskandalong kinaharap.. Hello? hello? naalala mo pa ba yun?
Pepe: Hahaha, hello gary nga ba yun? nakalimutan ko na sa sobrang dameng eskandalo ang napanuod ko sa youtube lately.. Pero kung sabagay maski ako di parin ako naniwala na siya ang nanalo bilang pangulo noong nakaraang presidential election eh.
Choy: Kaya nga eh, bakit ba nila minamadali? may hinahabol ba sila?
Pepe: Baka naman kase nakapag advance na sa kanila.. Hahahaha! wasak!
Choy: Yun lang.,. kaya halos lahat ng kongresista lalo na sa lugar naten bumoto pabor sa con ass. kala ko pa naman representative sila ng distrito naten. Pero pakiramdam ko ngayon di naman nila nirepresenta ang gusto ng mga tao dito sa atin.
Pepe: Eh bayad na eh.. Saka yun naman ata yung ginagamit nila para sa mga project nila na pantulong sa mga kababayan nateng nangangailangan. Nakikita mo naman yung pila sa opisina ni congressman diba? Yung mga humihingi ng tulong pampagamot, pampaospital, pampalibing at kung anu pa.
Choy: Sana nga dun napupunta, para makakuha naman ng pabor kahit papano.. baka kase pinambili lang ng yate at mansyon..
Pepe: Edi di mo na sila iboboto sa susunod na eleksyon?
Choy: Di na siguro, kahit na matalo ang iboboto ko basta di ko na bibigay sa kanila ang boto ko. Eh ikaw chong?
Pepe: Eh sila lang naman ang matinong kandidato dito sa lugar naten, alangan namang iboto ko ang isang laos na singer o yung dating artista na namamaril ng akyat bahay. haha baka lahat ng bodyguard nun naka cowboy hat at nakasakay sa kabayo.. wasak!
Choy:Kung sabagay may punto ka dun eh, sa sobrang dumi ng pulitika dito parang gusto ko nang maniwala na lahat nabibili ng pera. Pati boto ng congressman..
Pepe: Kahit ilang beses ka pa mag rally inde na matitibag yan.. lalo na yung mga ganid sa kapangyarihan. Kaya ako sunod nalang sa agos. Tutal tatanda rin naman yang mga yan.. ma dededz din. wahehehe..
Choy: Yun nga rin nasa isip ko eh, pero tingin ko may magagawa pa ako.... kahit sa maliit na paraan..
Pepe: Hmmm at ano nanaman yan? baka kwentong lasheng nanaman yan ah...
Choy: Inde pare, seryoso to.
Choy: Lapit ka ng konti at ibubulong ko sayo
(lumapit si PEPE at ibinulong ni Choy ang pinaplano nya... medyo matagal..... mga 3 minuto silang nagbulungan.. nang bigla silang nagulat sa narinig nilang tinig mula sa likuran)
Waiter: Sir, LAST ORDER na po.....

Subscribe to:
Posts (Atom)