DOH, pinag-iingat ang publiko sa iridology |
8/5/2008 7:25:41 AM |
Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko na mag-ingat sa mga iridology, iris scan at iris analysis dahil hindi ito isang diagnostic tool o therapeutic modality bilang kapalit ng medisina. Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, walang scientific validation para sa paggamit ng iridology at wala rin itong matibay na pruweba na maari itong makagamot o makatukoy ng mga karamdaman. Inihayag ng kalihim na walang basehan ang sinasabi ng mga iridologist na maaring ma-diagnose ang ibat-ibang sakit ng isang tao tulad ng ginagawa ng mga ito sa pag-eksamin sa iris ng mata ng isang tao o sa pamamagitan ng litrato. Pinayuhan din ni Duque ang mga mamamayan na huwag basta bumili ng mga herbal at alternative medicines kung wala naman itong sapat na permiso mula sa Bureau of Food and Drugs (BFAD). Ang paalala ng kalihim ay inihayag bilang paggunita sa Sight Saving Month ngayong Agosto. |
source: bomboradyo
*Sight saving month na pala.. baka may optometrist diyan na gustong sumama sa isang school project.. naimbitahan kse ako.. kelangan ko ng team.. for more details contact me.. ayus!
No comments:
Post a Comment