Wednesday, August 13, 2008

Cheesy Lines

Geometry ba favorite subject mo?
- Kasi kahit anong angle, ang cute mo.

Alam mo ba scientist ako?
- At IKAW ang LAB ko.

Ano height mo?
- Paano ka nagkasya sa puso ko?

Ang galing mo siguro sa puzzles...
- Kasi umaga palang nabuo mo na araw ko.


Bangin ka ba?
- Nahulog kasi ako sa'yo.

I'm a bee...
- Can you be my HONEY?

May license ka ba?
- Coz you are driving me crazy.

Athlete ka ba?
- Kanina ka pa kasi tumatakbo sa isip ko.


Tapos na ba exams mo?
-Para ako naman ang sagutin mo!

Alarm clock ka ba?
-Ginsing mo kasi ang natutulog kong puso!

Can you recommend a good bank where I can make a deposit?
-Because I’m planning to save all my love for you.

Ibibili kita ng salbabida.
-Kasi malulunod ka sa pagmamahal ko!

Drugs ka ba?
-Nasisira na kasi ulo ko sayo eh.

Ako na magbabayad ng tuition fee mo.
-Basta ang pagaaralan mo lang ay mahalin ako!

Pwede ba kita maging driver?
-Para ikaw na magpapatakbo ng buhay ko.

Minamalat na naman ang puso ko..
-paano kasi, laging sinisigaw ang pangalan mo..

Ikaw ba may-ari ng Crayola??
-ikaw kasi nagbibigay ng kulay sa buhay ko..

Uy picture tayo!!
-para ma-develop tayo!!

Kung ikaw ay bola at ako ang player, mashushoot ba kita??
-hinde, kasi lagi kita mamimiss..


Exam ka ba??
-gustong gusto na kasi kitang i-take home eh!!


Centrum ka ba??
-kasi you make my life complete!!

Mahilig ka ba sa asukal??
-ang tamis kasi ng mga ngiti mo..

Pinaglihi ka ba sa keyboard??
- kasi type kita..

I hate to say this but... You are like my underwear..
-i can't last a day without you!!

Pwede ba kitang maging sidecar??
- single kasi ako eh..


May kilala ka bang gumagawa ng relo??
-may sira ata relo ko.. pag ikaw kasi kasama ko, humihinto ang oras ko..

Nakakatakot diba ang multo??
-pero mas nakakatakot kapag nawala ka sa buhay ko..

Am i a bad shooter??
-coz i keep on missing you..

May lahi ka bang aswang??
-ang pangit mo kasi eh.. (wasak!)

Naniniwala ka ba sa love at first sight??
-O gusto mong dumaan ulit ako??


Excuse me.. Are you a dictionary??
-because you give meaning to my life..


Me butas ba puso mo??
-kasi natrap na ako sa loob, & i can't find my way out!!

Sana "T" na lang ako..
-para i'm always right next to "U"

you're like SM...
-cuz uve got it all


you're like a Balikbayan Box...
-because i get excited when u arrive


Ice ka ba?
-Crush kita, okay lang?


Para kang plema!
-Di ka kasi maalis sa dibdib ko!

May MMDA ba rito?
-Kasi nagkabanggaan puso natin!


Uy malala na yung sakit ko sa puso, dalawa na lang options ko para gumaling,
-either ICU or U C me!

Are you a PS game?
-i hope you're not TEKKEN!


Yosi vendor ka ba?
-Kasi you give me HOPE and MORE!


Grabe nakakatawa yung mga pick-up lines noh?? LOL! May alam ka pa bang iba??
-Wala na akong maisip eh..kundi ikaw..
:p

Thursday, August 07, 2008

T-zert 4 sale....

Point and shoot : P285

Herpeace: P250

wag nang magpatumpiktumpik pa! bili na!!

Wednesday, August 06, 2008

Publiko pinag iingat ng DOH sa IRIDOLOGY

DOH, pinag-iingat ang publiko sa iridology
8/5/2008 7:25:41 AM

Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko na mag-ingat sa mga iridology, iris scan at iris analysis dahil hindi ito isang diagnostic tool o therapeutic modality bilang kapalit ng medisina.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, walang scientific validation para sa paggamit ng iridology at wala rin itong matibay na pruweba na maari itong makagamot o makatukoy ng mga karamdaman.

Inihayag ng kalihim na walang basehan ang sinasabi ng mga iridologist na maaring ma-diagnose ang ibat-ibang sakit ng isang tao tulad ng ginagawa ng mga ito sa pag-eksamin sa iris ng mata ng isang tao o sa pamamagitan ng litrato.

Pinayuhan din ni Duque ang mga mamamayan na huwag basta bumili ng mga herbal at alternative medicines kung wala naman itong sapat na permiso mula sa Bureau of Food and Drugs (BFAD).

Ang paalala ng kalihim ay inihayag bilang paggunita sa Sight Saving Month ngayong Agosto.

source: bomboradyo

*Sight saving month na pala.. baka may optometrist diyan na gustong sumama sa isang school project.. naimbitahan kse ako.. kelangan ko ng team.. for more details contact me.. ayus!

Tuesday, August 05, 2008

Optometrist for Thailand

Ang CE & CY int'l co.ltd euro optic ay naghahanap ng new optometrist sa kanilang branch sa thailand.

Ayokong magmukhang recruiter d2, gusto ko lang tumulong sa kaibigan, dahil wala siyang kasamang Opto sa Pattaya (main Branch)

E2 ang sbe nya sa aking terms: "bali may 6mos training evaluation my sweldo na 15,000 baht (19,500php) + every high season my overtim na per sunday na pasok after 6 mos training 20,000baht na sweldo (26,000php) + overtym
2 years contract at every low season pwede uwi 1 month vacation or perahin na lng pamasahe.... 1 month vacation may 2 weeks na sweldo un habang bakasyun. Wala ng deduction sa tax. Lahat eh take home money na, wla ding komisyon pero may bonus pag mataas ang sales. Wala ka ring gagastusin papunta sagot na nila lahat (maliban sa passport and other documents siguro) at meron kang free stay sa hotel ng 3days 2 nights habang inaasikaso ang working permit mo.. Free din ang accommodation sa isang condo unit".

If you want more info or if you're interested.. pm mo lang ako para ibigay ko sa inyo ym id nung kaibigan ko na naghahanap ng kasamang opto..

or email your resume to:
eurooptic_pattaya@yahoo.com

*I'm not encouraging anyone to go abroad... kung mas masaya na kayo sa pinas d2 na tayo.. Wag nalang tayu sumabay sa agos at kalakaran ng optometrist ngayon, pakita naten na we are the primary eye care practitioner.. We're not selling shoes here... We're here to improve sight...

Saturday, August 02, 2008

322 mga bagong Optometrist - PRC

322 mga bagong Optometrist - PRC
8/2/2008 10:21:29 AM

Inanunsiyo ngayon ng Professional Regulation Commission (PRC) at ng Board of Optometry ang pagkakapasa ng 322 mula sa kabuuang 546 na mga examinees ang nakapasa sa Optometrist Licensure Examination na ibinigay noong nakaraang buwan ng July.

Ipinalabas ang resulta makalipas ang pagsusulit na ibinigay ng mga miembro ng Board of Optometry na kinabibilangan nina Dr. Anita Villarta bilang chiarman, Dr. Divina Lourdes Reyes at Dr. Noel Santos.

Magsisimula ng mag-issue ng Professional Identification Card (ID) at Certificate of Registration sa August 7, 2008 hanggang August 26, 2008.

Ang mga successful examinees ay dapat personal na magparehistro at pumirma sa Roster of Registered Professionals.

Ang oathtaking ceremony at doon sa mga hindi pa ay itinakda sa August 31, 2008, 1:30 ng hapon sa Centennial hall ng Manila Hotel.

Ang membership registration naman sa Integrated Philippine Association of Optometrists, Inc., (IPAO) ay magsisimula sa August 7, 2008.

source.. bombo radyo

san kaya yung mga pangalan ng mga board passer??? wasak!!!

CONGRATSSS SA MGA BAGONG LISENSYADONG OPTOMETRIST!!