Wednesday, November 21, 2007

Ano ba talaga ang Pinoy???

Ano ba talaga ang Pinoy??? Kung iisipin mong mabuti ay.. ang Pinoy ay isang halo-halo na tao. May kaunting Aeta, kaunting Intsik, kaunting Kastila, etc. etc.
Ang problema sa Pinoy ay mayroong tinatawag na "Class RACISM". Hinihiwalay ang tao sa A, B, C, o D. Bato bato sa langit, tamaan huwag magalit.
Ang A ay yung mga lumang yaman. Mga apilido nila ay Ayala, Lopez, Soriano. Nakapasok rin dito ang mga bagong yamang Intsik tulad nina Concepcion, Tan, Gokongwei, Cojuangco. Hindi yan nagkokotse (natatakot na makidnap). Naka-helicopter yan papunta sa opisina. Kung nakakotse (Range Rover o S class na Chedeng o 7 series na BMW) sigurado ay may bodyguard na kasama. Ang mga damit niyan ay mamahalin pero walang tatak na kilala ng karaniwang Tao dahil sa Europa lang nabibili. Hindi na nila kailangang magyabang ng damit dahil alam na ng tao na mayaman sila. Ang mga anak nila ay nagaaral sa mamahaling eskwelahan (Ivy league ikanga) sa Tate o UK.Ang problema lang sa mga ito ay kahit tinatawag nila ang sarili na Pinoy, ang mga TAI PAN ay hindi pumapayag na mag-aasawa ang mga anak nila sa mga hindi Intsik. Maraming mga T.H. na gustong sumama dito, karaniwan ay mga pulitiko, crony, artista, ibang at burgis. Mga class B lang ang mga yan kahit na may pera.Mahilig ang Class B sa mga damit na mamahalin at may pangalan na nakatatak sa malalaking letra tulad ng POLO o di kaya ay DKNY o yung maliit na buhaya sa dibdib. Ang gusto nila sa sapatos ay yung may pangalan din tulad ng GUCCI o FERRAGAMO o COLE-HAAN. Mahilig silang maglakad na may nakakabit na telepono sa sinturon para masabing importante daw sila o may kaya sila.Mahilig gumimick ang mga class B dahil hindi sila natatakot lumabas at makidnap. Makikita ang mga yan sa d FORT o di kaya sa Makati Ave sa mga magara nilang sasakyan na galing sa Hapon o Alemanya. Mahilig sila sa Kape na napakamahal. Hindi uubra diyan ang Great Taste o Nescafe.
Karaniwan ay ang mga anak nila ay nasa tinatawag na "exclusive schools", kung bakit ganyan ang tawag ay hindi ko alam. Exclusive kanino? Sa may pera siyempre. TAG Heuer ang relos na pinipili nito, Kung mas may kaya ay Rolex o Cartier. Mahilig ang mga yan na magsalita ng Ingles, kahit kausap nila ang tindera sa Shoemart (kung magpapakita sila na pumupunta sila sa loob ng tindahan na ito na para sa Class C). Ang Class C ay ang mga karaniwang tao, hindi naman squatter pero hindi kayang magaksaya ng pera sa mga katarantaduhan tulad ng cerveza na imported,telepono na nadadala (cell phone ika nga), damit na may tatak.
Maswerte na ang C kung may kotse sila, minsan nakakabili ng gamit na gawang Hapon o kung may tulong galing sa isang kamaganak sa tate ay bagong gawang hapon na kotse.Hindi kaya ng C ang kotseng galing Europa o yung mga tinatawag na SUV. Ang mga damit namang may pangalan ay galing sa Divisoria (ie:PEKE) at Tiangge ng Greenhills at hindi sa Makati o Hong Kong.
Mahilig rin gumimick ang mga taga C, pa sine sine, manood ng concert, kumain sa Jolibee, pumunta sa beerhouse. Masyadong mahal yung mga d FORT para sa kanya. Timex/ Casio/ Seiko ang kayang bilhin na relos.
Maraming C gustong maging B. Hindi na nila inaasam na maging A dahil alam nilang imposible ito (kahit manalo sa lotto).
Ang pinakamalaki ay ang Class D. Dito nangampanya si ERAP nung eleksyon kaya nanalo. Yan ay si Juan dela Cruz sa kalye na isang kahig isang tuka. Sila ang naaapi, at mas lalong nahihirap dahil sa sistema ng gobyerno natin na "patronage system" Kahit sumigaw tayo hanggang mapaos ay walang mangyayari sa gobyerno natin. Masyadong nasisilaw sa pera ang tao, kahit maganda ang intensyon niya sa pagpasok sa Gobyerno. Hindi ko masasabi na hindi rin ako magbabago kung naging senador o congressman ako (panaginip).Ano ang solusyon???--- Hindi ko alam. Ang magagawa ko lang ay ang pagrespeto sa lahat ng tao kesa ABC o D ka. Wala akong pakialam kung anak ka ng senador na nagaaral sa La Salle o batang kalye.Respeto lang sa isa't isa kababayan. Wala nang patawag tawag na "baduy" ang isang tao o "walang class".
Pare-pareho tayong mga PINOY.
:-)


nakuha ko lang sa isang site ito natuwa ako kaya ko pinost.. dko lam kung cnu ang author la kse nakalagay..