Friday, November 24, 2006

borat.....


Pinanuod namen kanina sa may rob, tamang laugh trip lang... cguro la pang 30 yung tao sa sinehan, kaya nangingibabaw yung tawanan namen... Sumakit tyan ko kakatawa... simula umpisa ata hanggang matapos tumatawa ako... May mag asawa nga na siguro mid 40's na..na lumabas ng sinean eh, dna tinapos... d nla cguro nagustuhan ung humor.... pag tinignan mo kse yung pelikula sa negatibong aspeto, pwedeng ma offend ka o ma kornihan... Komedy ang tema nya pero merun parin itong magandang mensahe... nasa nanunuod nalang kung kaya nya itong masalo..

Madami naman talaga sa atin ang prejudice at judgemental.... Marami paring di makawala sa mga paniniwalang kumondisyon na sa utak nila... Isa pa siguro yun sa dahilan kung bakit mas naging katatawatawa yung pelikula...



pero hindi ibig sabihin na natawa ako ay matatawa ka rin.....


JENKUI!!!!

Wednesday, November 22, 2006

walang ka kupas kupas na blogthings

Your Taste in Music:
90's Pop: High Influence90's Alternative: Medium Influence90's Rock: Medium InfluenceAdult Alternative: Medium InfluenceHair Bands: Medium Influence

Your Scholastic Strength Is Deep Thinking
You aren't afraid to delve head first into a difficult subject, with mastery as your goal.You are talented at adapting, motivating others, managing resources, and analyzing risk.
You should major in:
PhilosophyMusicTheologyArtHistoryForeign language


eto pa...
You Are 19% Angry
You're so laid back, no one could ever accuse you of getting angry.While there are a few little things that may annoy you, you generally play it cool.In fact, your calm attitude tends to provoke people with anger problems.They may think you're screwing with them, but that's just the way you are!

isang araw ang natapos...

Hinatid ko si kath, kninang umaga sa stasyon ng victory liner sa may kamuning EDSA, sa oras na to, ngayon ay nasa tuguegarao na sya. Kasama niya ang kanyang pamilya, matagal na rin syang di umuuwi dun bka nga di na sya kilala ng aso nya.. hehe...
Malamang na isang masayang bakasyon ang naghihintay sa kanya doon. Magkikitakita silang magbabarkada.... ANg pinakamalupet ay ang fudtrip... SAna makatikim din ako ng pansit Tugue... waaah nagugutom nko....

mkatulog na nang maaga magising at may pasyente pa ako bukas ng 7am.

Monday, November 20, 2006

RECIPE of the DAY: Noodle Nuggets

Ingredients:
Instant Noodles (any flavor will do, mas ok ung pansit canton na maanghang)
Scrambled Egg (1:1 ratio with noodles)
Black Pepper powder(depends on your taste)

Procedure:
  1. Pulverise the noodles using mortar and pestle. (if I say pulverise.... i mean it) You can also use your blender if you want to, it saves time and effort.
  2. After you produced a noodle powder, mixed it with the scrambled egg together with the noodles' seasoning.
  3. When the mixture is done, place it in the frige in 15mins. (If you're in a hurry you can make it 10)
  4. When the mixture is look like a clay, mold it as a shape of your choice... then it is ready for cooking....
  5. Fry the noodle nuggets in a very hot cooking oil in 3-5mins until golden brown in color.

Enjoy eating.... Its good when you're drinking beer!!!!!!!!

puntod ni erpat


Dapat dati ko pa naipost to, di ko lang na upload sa pc eh.... piktyur ito mula sa loyola nung nakaraang undas. E2 ang puntod ng aking ama, halos 2 taon na mula ng siya ay namatay pero sariwa pa din ang kanyang mga alaala.
Lalo na nung nakaraang boxing match ni pacquiao. Madalas pag nanunuod kme ng boxing laging may hawak kmeng beer, tpos magkukulitan, gagyahin pano pina tulog yung kalaban imumwestra namen sa isat isa yun, tpos hanggang sa magpupustahan kme. Di ko makalimutan nung pinusthan ko sya ng 300pesos sbe ko sa kanya yung 100 nya mananalo ng 300 pmusta lang sya sa akin, di nya alam repkay na yung boxing na pinapanood namen.. hehehe..
Haaayy.. nakakamis din pero magkikita rin kme kung nasan sya ngayon... sana may pustahan pa rin at beer....

Thursday, November 16, 2006

nahuli na si HONASAN

matapos ang ilang buwang pagtatago ay nadakip na si sen gringo, nahuli siya bandang alas dos ng madaling araw sa green meadows ayon sa balita, nakapagtataka lang na maraming bersyon ang lumabas 2ngkol sa pagkakadakip nya. may mga natamo kasi syang mga sugat na kinakailangang tahiin. may nagsabing tumalon sya mula sa ikalawang palapag, ang iba naman ay nagsabing tumalon sya mula sa sasakyan.... kanina lang ay may narinig akong binaril daw siya sa paa.. pero parang mas masarap paniwalaan ang huli kong narinig. ewan ko lang pero parang pwede eh... 2malon sya mula sa mula sa ikalawang palapag at ng makita ng pulis ay agad na pinaputukan sa paa(iyon ay ispekulasyon ko lamang).
hinihiling ata ngayon ng kampo ni sen gringo na i-house arrest nalang sya dahil sa kanyang kalagayan.....(ako kaya pag nakulong, pdeng house arrest nalang din?)
madami ng naaaresto, unti unti ng inuubos ang maka kaliwa.... ito na kaya ang paghahanda nila para sa plano nilang CHA CHA?? hindi kaya ito ang simula ng panibagong pag aaklas mula sa tagasunod ni sen gringo???
anu kaya ang masasabi ni BARBIE tungkol dito????
ABANGAN.......................
SUSUNOD.......................
(Boy Abnda Style)....

Tuesday, November 14, 2006

di makatulog

Di ako makatulog lakas ata ng tama nung ininom kong kape, la pako na research tungkol sa mga defenitions na pinapahanap ng prof ko. Di ko pa napanuod yung i-witness ni jay taruc wah sayang.. pero fud trip naman kanina ng buko pie.. hehe salamat kay kath sa matamis na buko pie.. hehehe....
geh 2log nkoh at papasok pa bukas....

Ashes of Wake

"We killed a lot of innocent civilians.To us every civilian in Baghdad was a terrorist.They said 'they are now in civilian clothes' that makes everybody free game,But if they came in our perimeter, we lit 'em up.And when we would pull the body out, and when we would search the car, we would find nothing.This took place time and time again. No harm, no foul, that's OK, don't worry about it,Because this is a new tyme of war, this is an eradication.""I honestly feel we're committing genocide over here,I don't believe in killing civilians, and I'm not going to kill civilians for the United States Marine Corp."
-Lamb of God-

Friday, November 10, 2006


bagong ahit na ko..............................

Wednesday, November 08, 2006

haaayy..

Tagal kong d nka pag sulat, busy na kasi simula na ng klase. balik aral nanaman, magpapasyente nanaman, sana ay umayon sa akin ang panahon ngayong sem.
Nalimutan ko na nga yung ibang procedure sa clinic, isang sem din kse ako d nkahawak ng mga aparato.
_________________________________________________

Malas na sa internet malas pati telepono, wala na ngang reciever delayd pa msgs.. kung di ko pa nirestrart ung fon wla ako marereciv... haaayyy....