Mag si-syam na buwan na mula ng maganap ang nakakalungkot na trahedya, halos pitumpung katao ang namatay at madami ang nasugatan. makalipas ang 8 buwan ay naglabas na ang DOJ kung sino sinung personalidad ang kailangang managot sa naturang trahedya, maraming nabanggit na sikat na indibidwal isa na rito ang tv host ng naturang programa na umaani rin naman ngayon ng ibat ibang kaso mula sa kanyang asawa. Nakakaawa (pahiram muna ng katagang ito mula sa mga pasaring ng kabilang estasyon), pero mas nakakaawa ang mga pamilyang nawalang ng pag-asa at mahal sa buhay na humihiling na managot ang may pagkakamali, iresponsibilidad na nagdulot ng isang pagkamatay ng ilan nating kababayang nais lamang mag saya at mag uwi ng mga pa premyo mula sa programang iyon.
Malaking kapabayaan ng Organizer sa naturang insidente, sila ang umako ng crowd control, sila rin dapat ang unang nakapansin kung gaanong kalaki na ang populasyon ang nakapaligid na sa ultra at handa ng pumasok. Naging organizer din ako ng ilang events, hindi sigutro kasing laki at kasing engrande ng sa ultra. Miyerkules palang ng gabi ay madami ng taong nakapaligid sa ultra, dapat sana naisip ng mga organizers na papasukin na ang ilang nauna na upang maiwasan ang gitgitan at pag dami ng tao sa labas. Maluwag naman ang field sa ultra. Para kahit papaano ay mas maganda ang pahingahan nila sa loob. Pero pinaghintay nila ang mga tao doon hanggang umaga ng sabado, kung saan naguumapaw na ang tao. Nais siguro nilang kuhaan ang mga libo libong tao na nagsidalo kung kayat di pa sila nagpapasok ng hwebes o byernes na lubusang kong pinagtatakhan. Siguro nais nilang ipamukha sa kabilang istasyon kung gaano karami ang dumalo sa anibersaryo ng programang iyon. Siguro nais nilang ipakita sa manonood na kahit anung hirap ay gagawin ng mga taga suporta nila mapanuod lang ang naturang programa.
Pero mali, kahit saang angulo ko tignan ang sitwasyon ay mali pa rin. Hindi ito isang aksidente, ito ay dahil sa mga iresponsableng tao sa likod ng programa. MAdami sanang naiwasan... ngunit huli na.... Sa ngayon ay maghihintay na lamang ang mga kaanak ng biktima ng trahedya.. NAway makamtan nila ang hustisya kahit suntok sa buwan ang laban...
No comments:
Post a Comment