Tuesday, October 17, 2006

SUDS

Sudden Unexpected Death Syndrome.... Ito yung nakasanayang sabihing bangungot sa tagalog.. 1st time kong naka experience nito kanina, natulog ako ng mga 4:30pm habang natutulog ako biglang hindi ko na maibukas ang mata ko at di maigalaw ang katawan, alam kong nananaginip ako pero dko magawang magising. PArang may humihila sa akin pababa habang pinipilit ko namang magising. Pinipilit kong katukin ang dingding ng kwarto ko, pero parang hangin lang ang tinatamaan, wala akong magawa. Akala ko din tapos na, dahil pati makapagsalita di ko magawa.. Pero pinilit ko pa rin, hanggang sa naidilat ko na yung mata ko, bigla akong napatayo at lumabas ng kwarto. Pakiramdam ko isang araw ako nakatulog. Mahirap, na nakakatakot. Parang may phobia na nga akong matulog eh, la pa naman akong katabi para gisingin ako kung sakaling umatake nanaman ang SUDS. Pero parte na ng buhay ng tao yan eh, ang matulog...
CGE SLIP NKO....

No comments: