Matagal na dapat akong nagsulat sa espasyong ito ngunit di ko nagawa dahil nagloloko nanaman ang hard drive ng PC ko... Natapos din ang pinakamahabang linggo sa Buhay ko...
Pero Kahit tapos na ang eksam eh, napapanaginipan ko pa din ito.. at gumigising pa din ako para mag hanap ng sagot sa mga notes.. Di pa din ako makatulog ng normal..
Maayos naman ang kabuuan ng eksam, Ok na ako dahil di naman ako nag ka LBM at sinipon nung araw ng eksam.. Masuwerte na rin dahil kahit na trapik at nabasa sa ulan eh hindi pa rin na late..
Masaya ang Praktikal eksam.. Comedy ang dating sa akin.. mula sa Unang station hanggang sa huli... Dko lang alam kung bakit sir eric tawag sa akin nung tga PRC na watcher, na pinagkalat na ata sa mga kasamahan nya na napanuod nya ako sa isang game show...
Mga di ko makakalimutang eksena sa board exam:
*Examinee: Mam, pde ko po ba tatakan yung optical center ng lente gamit ng lenso?
Examiner: Huh? ano?? Hindi mo alam kumuha ng optical center ng walang lenso? d2 paba tayo magtuturuan?
Examinee: Wasak! ehehehe
*Examiner: Sino ang nakaimbento ng PMMA?
Examinee: Di Ko Po Alam
Examiner: Ah... Parehas tayo (sabay ngiti)
mga natutunan ko sa (praktikal) board exam:
1. Pwede Kang makapag worth 4 dot test kahit wala kang green filtered lens
2. Ang simpleng tanong na masasagot ng OO o Hindi ay maaaring umabot sa isang maaksyon na argumento.
3. Pwedeng sumagot ng "hindi ko alam" sa examiner.
No comments:
Post a Comment