Wednesday, February 13, 2008

Ilang puntong dapat linawin bago ideklarang 'bayani' si Rodolfo Noel 'Jun' Lozada

Ito ang pamagat ng artikulo na nabasa ko sa pahayagang "BULGAR" full-page ads mula sa Kongressp ng Mamamayan.... Ang Ads na ito ay tinaggihan ng pahayagang "ABANTE" at ito ang kanilang paliwanag:

Isang patalastas ang sinadyang tanggihan kahapon ng pahayagang ito (ABANTE) dahil sa mapanirang nilalaman laban kay Lozada. Pinalilitaw na ito’y manifesto ng isang grupong nagpakilala lamang na “Kongreso ng Mamamayan”.


Bineripika namin kung sino ang mga bumubuo ng grupong ito. Kung saan ang kanilang tanggapan. Kung ilan ang kasapian nila. Hinanapan din namin ng ‘signatories’ ang manifesto. Kahit ilang pangalan lang, tirahan nila at lagda. Kailangan namin ng patunay na mga lehitimong mamamayang Filipino, taxpayers at mga kababayang naghahanap ng ‘venue’ ng kanilang boses sa gitna ng broadband deal controversy ang tunay na nasa likod ng ‘paid ads’ na ito, ngunit walang mailatag na mga pangalan ang pinagmulan ng anunsyo. Gusto naming maging patas sa lahat ng sektor ng lipunan at handa kaming bigyan sila ng patas na espasyo sa pahayagang ito. Ang kailangan lang ay lumantad sila at ‘wag silang magtago sa isang ‘collective name’ na Kongreso ng Mamamayan.


Bago pa ito, kung pagmamasdan ang headlines ng nakakaraming tabloid kahapon, mapapansing kontra-Lozada ang mga ito o kaya ay nakakiling sa panig ng government officials na dumalo sa Monday hearing sa Senado. Isa lang ang Abante at Abante Tonite sa iilang tabloid na buong tapang na naglatag ng aktuwal na mga pangyayari at kumuha ng pulso ng taumbayan upang maiwasan ang anumang pagkiling saanmang panig. Mas pinili naming opinyon ng tao kaysa ng mga pulitiko ang iulat.


Kaya nga sa paglalabasan ng anti-Lozada news items at ng bayad na anunsyong nasa anyo ng manifesto, hindi maiwasang bumalik sa aming memorya ang mga kataga diumano ni Defensor kay Lozada na, “tatrabahuhin na lang namin sa media ‘yan.”


Wala kami sa posisyon para humusga. Kung ano ang ibig sabihin ng mga salitang ito at kung mayroon ngang mga taga-media ang ‘natrabaho’, kayo na ang humusga, bayan!

at ito ang nilalaman ng FULL-PAGE ADS:

Madrama at makulay ang Testimonya ni Rodolfo Noel "Jun" Lozada kamakailan sa Senado. Naroong, naluluha siya, at minsan ay napapatawa. Ngunit liban dito, kung sustansya ng kanyang testimonya ang pag-uusapan, walang bagong sinabi si Lozada na makakadagdag sa mga nasabi na sa halos isang taong imbestigasyon ng Senado kaugnay sa isyu. Sa husgado, tiyak na ibabasura lamang ang kanyang mga sinabi dahil sa kawalan ng matibay ebidensiya.

*Sigurado na agad sila na ibabasura ang testimonya ni Lozada sa husgado noh?? tsk tsk.. teka nga.. sino nga ba ang secretary ng DOJ?? ahhh kaya pala sigurado na sila.. sigurado nga yon!!

Ang kakatwa nito, malamang na si Lozada pa ang makasuhan dahil sa mga inamin niyang anomalyang ginawa niya bilang pangulo ng Philippine Forest Corporation(PFC). Inaanyayahan namin ang bayan na limiin ang mga puntong sumusunod bago ideklara ng mga senador na bayani si Lozada:

*Sige, pipilitin kong limiin ang mga puntong iyong ibibigay at lalagyan ko na din ng komento para mas nakakalibang.

1. Ano ba ang Papel ni Lozada sa ZTE deal? Bakit siya nakikialam dito?

Ayon sa kanya siya ay isang consultant ni Secretary Romulo Neri at wala siyang sweldo liban sa ilang libreng pananghalian at hapunan. Ayon sa pahayag ni Neri, minsan lamang niya isinama si Lozada sa isang pagpupulong kaugnay sa proyekto, Ngunit ayon kay Lozada, maraming beses siyang nakikipag usap sa mga partido kaugnay sa proyekto, kabilang sina Abalos, Joey de Venecia at mga Opisyal ng ZTE.

* Bakit kasi di nyo pagsalitain si Neri sa Senado?? just askin.. ^_^

Awtorisado man o hindiang pakikialam niya sa proyekto dahil umano sa utos ni Neri "to moderate the greed" (bawasan ang kaswapangan) malinaw na pagiging isang fixer ang papel ni Lozada sa proyekto. Bagaman tumatawad siya upang ibaba umano ang komisyon sa proyekto mula $130M pababa sa $65M, malinaw na ang intensyon niya ay ang makabahagi sa sa komisyon. Para sa kanya ang patong o overprice na $130M ay "bubukol" pero katanggap-tanggap ang overprice na $65M o mahigit sa P3.5B. Ayon sa kanya, ang $130M ay nasa "forbidden zone" at ang $65M ay nasa "permissible zone". Para sa kanya, pwedeng nakawan ang bayan , basta huwag lang lalagpas sa $65M o P3.5B. Anong uring moralidad mayroon si Lozada? Katanggap-tanggap kaya sa mga pari at madre na nagkanlong sa kanya ang ganitong katwiran at moralidad?

Si Lozada, batay sa kanyang pag-amin, ay isang big-time fixer sa ZTE deal. Hindi malinis ang kanyang mga kamay nang nagpakanlong siya sa mga pari at madre at nang tumestigo siya sa senado.

*Nauna mo na ngang binanggit na siya ay tauhan lamang ni Secretary Neri, na napag utusan na bawasan ang kaswapangan kung naiintindihan mong maigi ang konteksto, sinabihan lang siya na bawasan hindi siya inutusan na tanggalin.. Siya ay sumunod lang sa utos, tulad ng kung pano mo sinunod ang utos ng AMO mo na magsulat ng ganitong lathalain upang baluktutin ang sitwasyon.

2. Hindi maaaring maging santo ang isang demonyo sa isang iglap na pagsisisi. Sa katunayan, hindi inamin ni Lozada ang kanyang katiwalian bilang pangulo ng PFC kung hindi siya binuko ni Sen. Miriam Santiago. Lumalabas na hayagan niyang binabastos ang batas at mga proseso sa kanyang opisina sa pamamagitan ng pagbibigay kontrata, mga negosyo at mga lupain sa kanyang sarili, sa kanyang asawa at mga kapatid, mga kaanak, at pati na mga katulong na ginawa niyang dummy upang makakuha ng tig 5 ektarya sa PFC. Wala siyang karapatan, kung gayon na magsalita ukol sa tinatawag niyang "dysfunctional procurement system" ng gobyerno dahil pinangungunahan niya ito.

*May punto ka diyan, naalala ko tuloy si MR. Chavit Singson... di na pala kapanipaniwala ngayon ang may bahid ng korupsyon?? buti nalang nung panahon ni ERAP katanggap tanggap ang mga ganung testigo. Paano ka kaya makapag bubunyag ng isang malaking korupsyon kung hindi ka kabahagi dito? haaayy.. sige ilihis mo pa.. naaliw pa ako. ^_^

3. Ayon kay lozada, nahimasmasan siya umano ng nakausap niya ang isang magsasaka sa Negros kung saan maraming namumungang bayabas sa kapaligiran. Tinanong niya umano ang magsasaka kung bakit hindi nila ibenta sa bayan ang bayabas, at sinagot siyang hayaan na lamang na kainin ito ng mga ibon. Naisip umano niya kung bakit ang mahihirap ay iniisip pang pakainin ang mga ibon, gayong ang mayayaman ay nagpapasasa para lamang sa kanilang sarili. Madrama ang kanyang pagkakasalaysay sa pangyayaring ito na umano'y nagbukas sa kanyang isip. Napaiyak pa siya.

Ang hindi sinabi ni Lozada ay kung bakit naroroon sya sa Negros sa oras na iyon. Ayon sa kanyang mga empleyado mismo, naroon si Lozada sa Negros noon upang ipamigay sa iisang maimpluwensyang pamilya lamang ang 10,000 ektaryang lupain, kaysa mga naghihirap na karaniwang magsasaka. Hindi niya sinabi sa senado kung pinagsisisihan niya ito.

*Sa totoo lang muntik na ako maluha nung ikinwento niya iyan, siguro.. dahil sa madalas talaga akong maluha pag bayabas na ang pinag uusapan. Dapat niya ba talagang sabihin sa senado kung anu-anung bagay ang pinagsisisihan niya?? magkaiba naman siguro ang pagtestigo sa pagkukumpisal.. ^_^

4. Sa tulong ni Sen. Chiz Escudero, tinangka ni Lozada na pagtakpan ang mga kanyang anomalya(this typo is from the author) sa PFC, dahil maliit lang naman daw ito kumpara sa ZTE deal. Kung natuloy kaya ZTE deal, maliit din lamang kaya ang magiging komisyon ni Lozada?

* Hahahaha,, pinatawa ako ng artikulo na ito, bukod syempre sa typographical error. Inamin mo na may komisyon talaga sa ZTE deal, hindi na nga natuloy yung deal na yan nagkapera pa ang iilan..

5. Sa pagdinig sa Senado noong Pebrero 11, 2008, lumabas na nakipag usap na si Lozada kina Panfilo Lacson at Jamby Madrigal, mga pangunahing kritiko ng administrasyon, mula pa noong disyembre, tanda na may bahid pulitika at nakaplano ang kanyang paglabas.

* Alangan naman sa Kalaban siya lumapit?? may nagbabanta sa buhay niya na nagmumula sa administrasyon, napakatalino mo naman kung lalapit ka at hihingi ng tulong sa kalaban mo.. (pero ayon kay lozada ay nakausap niya si Atty. Fely Arroyo ang butihing may bahay ni Sen. Joker at inabisuhan siyang huwag ng magsalita dahil lilipas din naman...

6. Ang ZTE deal ay kinansela na ng Pangulo, at nag-utos na rin siya na imbestigahan ito at ihabla ang sinumang sangkot dito. Dahil hindi natuloy, walang nawala sa gobyerno, bagaman nawalan marahil ang mga nagpaunang bayad ng komisyon sa kung sinumang broker at fixer ng proyekto. Sa kabilang banda, nawalan ang gobyerno at mamamayan sa mga anomalyang ginawa ni Lozada bilang pangulo ng PFC.

* Ayun na eh, kinansela ang proyekto dahil may nasilip na butas, base sa pagkakaalam ko eh utang parin natin ang paunang bayad mula China, dahil loan based ang proyekto. Kaya matapos makakuha ng KOMISYON ay nag resign si KOMISYONER.

Tandaan na ang inyong nabasang ADS ay bayad.. malamang ang bayad ay galing sa gobyerno... ang blog ko eh libre lang.. biruin mo nailathala ang PAID ADS nila sa BLOG ko.. nakaMURA sila... hahaha.. Put@#$%^&!!!

1 comment:

Anonymous said...

sa tingin ko nagsasabi ng totoo si lozada.matindi tlaga demolition job sa kanya.tiklop nga lahat ung mga "resource persons" na inimbitahan para tumestigo laban kay lozada.kapitan talaga sa patalim ung mga gagong nakaupo sa pwesto ! sana lamunin sila ng lupa !