Wednesday, August 22, 2007

HIT 99.5 RT radio show na may TAMA..



NApakinggan ko kgbe ung radio show nila tado, erning at ramon sa 99.5.. ayus sumakit tyan ko kakatawa.. parang strange brew sa radio ang dating.. Pakiramdam ko bagay na bagay sila para maging DJ nakakaaliw sila magsalita. nakatawag pa ako sa kanila kgbe para i congatulate sila sa naturang show, ngyn na lang uli ako nka tawag sa radio station on air eh. kya nakaka aliw nabati ko pa mga tropa kow.. ehehe.. pati si kat binati ko.. try ku uli magparamdam sa kanila maya kung makakontak ako ehehe..

kaya ung mga nagpapalipas jan ng antok ugaliin nang makinig sa mga bagong DJ na kapananabikan nyung pakinggan eheheh... AYUS

Saturday, August 04, 2007

evan ALMIGHTY

Di ako relihiyosong tao, d ako nagsisimba.. mejo matagal na nung huli akong pumasok ng simbahan upang makinig ng misa at sermon ng pari. Hanggang ngayon kse di ko pa nabibigyang kasagutan ang ilang katanungan sa aking isipan. Pag nagawi ka sa simbahan lalo nat araw ng linggo at gabe.. madaming kabataan ang nasa sulok, nagkukwentuhan, mga magkasintahan naglalandian, mga magkumare nagtsitsismisan... pag pasok mo sa loob nandoon ang mga nanay na nag sasaway sa mga anak nilang nagtatakbuhan, mga mayayaman na di pdeng mapawisan, mga dalagang nagseseksihan ang suot at ang mga tupperware at orocan...
pag sinimulan mo ang misa... mapapansin mong iba ang tono ng pari... hindi ata pinoy.. parang may pagka intsik at indian ang punto.. mapatagalog o ingles hndi mo mwari ang sinasabe.. kaya halos lahat ng tao sa simbahan may kanya kanyang kwentuhan at bidahan.. nagseselpon at nagtatawanan... Ganun na siguro ka konti ang mga pinoy na pari sa pilpinas kaya nag iimport na tau ng banyagang PARi.. Pag dating naman sa koleksyon o yung tnatawag nilang OFFERING.. nagtataka ako kung bakit laging may 2nd collection?? cguro para sa mga nahuli sa misa na hindi nakapag ambag..
OO aaminin ko may natutunan din naman ako sa pagsisimba ko noon.. at isa na dito ay ang "AMBAGAN system" o ung "CHIP-IN" kung mapapansin mo, sa simbahan nauuna ang pag aambag o abuloy bago ang pagkain mo ng ostia... tinuturo lang dito na kung gs2 mo kumain ng ostia ay mag ambag ka muna ng kahit konting barya sa iyong bulsa.. kaya pag di ako nakapag ambag, di ako na ngongomunyon..
Nalaman ko din na para palang isang artista ang pari dahil pagkatapos ng misa ay PAPALAKPAKAN sya ng mga tao at may mga lalapit sa kanya upang mag mano at mag pa autograph..
Naniniwala ako sa MAY-LIKHA... iba iba man ang tawag, pero naniniwala ako na may nakahihigit sa ating lahat... nainiwala din akong pwede natin syang makausap kahit di ako pumunta ng simbahan...
SIsimulan ko na ang kwento ko....
Napanuod ko ung evan almighty, comedy ang dating ng pelikula pero malalim ang spiritual content nya... bigla ngang pumasok sa akin ung mga naisulat ni bob ong sa libro nya..(ang paboritong libro ni hudas).. Ipinakita sa isorya ang pagpapakita at paguusap ng bidang lalaki sa Diyos.. at inutusan syang gumawa ng isang malaking arko.. nung una'y kinutya at pinagtawanan ngunit ng natapos ay sya ang pinasalamatan... pagdating sa dulo ng storya ay nabigyang diin ang salitang ARK na binigyan ng kahulugan na.. Act of Random Kindness...
Madami sa atin ang gustong mabago ang sistema, madaming gusto ng ayos na pamumuhay at marami din ang nagsisimba na di magawa ang ARK na ito.. Nasa sarili natin ang pagbabago, wag natin iasa sa iba ang pagbagsak at pag asenso natin, Pag nagdasal ka para yumaman.. hindi nya ibibigay ang limpak limpak na salapi, pero bibigyan ka nya ng pagkakataon upang magkaroon nito... Ikaw pa rin ang magdedesisyon...
Gumawa ng kabaitan sa kapwa, hindi dahil sa may impyernong nag aabang sa masasama at langit sa mabubuti.. Kundi, dahil iyon nag dapat nating ibigay sa kahit sino mang tao...

Bat ba kung anu ano ang pinag sasabi ko?? eh mag bibigay lang naman ako ng comment tungkol sa evanALMIGHTY....
panuorin nyu dahil napaka kwela at pampamilya sya... (TV ads SYTLE)

IDOL pag-asa ng BAYAN

Timely, relevant, brave! A gritty eye opener for today's youth...
-- Nonoy Lauzon, UP Film Institute

Powerful!
-- Jason Jacobo, Film critic
If you are looking for thought-provoking, a plausible plot or even an over-all message in a Filipino film, you must see Idol: Pag-asa ng Bayan, a digital film, written and directed by a neophyte filmmaker, Cesar Buendia. The film belongs to the coming-of-age genre, a story about four high school students who were the beneficiaries of a final exam leakage, perpetrated by one of the boys, Elly.The plot is simple and thin but the build-up of suspense is sustaineduntil the end. Will Elly, the culprit confess his crime or not? How willhis parents deal with this problem? Will the school authorities cancel the graduation or not? More than a simple story, Idol attempts to show how "utang-na-loob" and friendship wins over the value of honesty and integrity.Except for Michael de Mesa and Jaclyn Jose, the main characters are unknown but their acting is superb, thanks to the inspired directing of Cesar Buendia. The movie is definitely not for pure entertainment, although there some funny situations which will entertain young audiences, because they will see themselves in the charcters in the movie.The movie does raise a lot of questions, which will require disacussion at the end of the movie for the enlightenment of the young audiences who will watch it. Idol starts with a formula beginning, goes on to reveal that it may not end as you think it will and then, in a way that you never thought it would--or would not.I highly recommend this film not only for students but also for teachers and parents, to open their eyes to the reality that exists in the world today, especially the prevalence of cheating in our society, be it in school, home, church, politics or business. The movie is a wake-up call.
-- Fr. Nick Cruz, S.J.
Film Professor, Admu
Panunoorin ko to mamya sa may megamall... 4pm dko pa to napapanuod pero nagbibigay na ako ng comments.. astig ano?? Pero mukhang ayus to kse halos lahat ng tao ay nandadaya na... Ikaw? sasabihin mo bang di ka pa nandaya??? eh kung ang PRESIDENTE nating ngayon ay nandaya.... ikaw pa kaya na simpleng nilalang na nabubuhay sa pagbabasa ng blog ng iba.. diba?
--KULYAN
(feeling) FILM critic