Nagsimula ang hostage taking mga bandang 9am. Napakinggan ko sa dzmm ang pangyayare, si mr. ducat na nagmamay-ari ng musmos day care center ay nanghostage ng 32 estudyante at 2 guro. Nung una ay na inis ako dahil dinamay nya pa ang mga inosenteng bata.. Pero ng nalaman ko ang tunay nyang pakay, ang pagkainis ay napalitan ng paghanga.. OO, maaaring isang malaking pagkakamali ang ginawa niya, ngunit hindi naman mapapakinggan ang mga saloobin niya kung hindi nya gagawen yun. Totoo ang sinabi nya na bilyong bilyong piso ang ginagastos ng pamahalaan para sa pagpapaganda ng mga pasyalan pero mukhang nakakalimutan ang mga kakulangan sa ospital at eskwelahan. Libre nga ang edukasyon, pero bakit madami pa ring batang pinoy ang dimkapag aral ng elementarya at highskul? ilang taon na bang ipinangako ang libreng edukasyon na yan? magaganda ang mga plataporma ng mga pulitiko, pero halos lahat naman nun ay ginagawa na noon pa.. ang problema lang mali siguro ang pag gawa.. kaya hanggang ngayon ay marami pa ring gutom, walang tirahan at di makapag aral na mga pinoy...
At namulat ang lahat.... sinubaybayan ng buong pilipino ang nagyayare sa may liwasang bonifacio na malapit sa sm manila.. Di lang mga pinoy, pati maging ang mga banyaga ay binili ang kwentong ito.. sikat nanaman ang pinas.. Napakinggan nila ang mga palpak na sistema, at bulok na istilo ng mga pulitiko... Pero pinaka nagustuhan ko sa sinabi nya, na wag nating iasa ang buhay natin sa mga pangako ng pulitiko, bagkus ay mag sikap dahil "walang ibang tutulong sa inyo kundi sarili nyo".
Natapos ang hostage taking ng 7pm.. pinalabas lahat ng hostage.. mapayapa at maayos... Ang PINAGTATAKA ko lang ay kung bakit pumasok sa eksena ang magiting na SENATORIAL candidate na si SINGSON.. UU gulat na gulat ako.. at siya pa ang kumuha ng granada kay mr.ducat. Lupet talaga ng LOLO ko... IDOL na IDOL...
sana'y gawan na ng paraan ang mga hinaing na ganito, upang d na maulit at mangyare sa iba, andami pa namang nakapanuod sa insidenteng ito at baka may gumaya din pag napuno na sa bulok na sistema...