Thursday, January 04, 2007

1st day of school ng 2007

BADTREP!! di ako nakapasok ngayong araw nato......

Pag dating ko sa may santolan station ng lrt, napansin ko madaming tao sa may platform, eh di naman peak ang 10am na byahe.. tpos nagulat ako nung nagbabaan lahat ng nasa platform... badtrep.. alam ko na ibig sa bihin nun.. pero nagbakasakali ako at nkipag tsikahan pa sa sekyu doon.. bka kse open ang station ng cubao eh.. sbe sarado daw mula santolan hanggang recto.. ampopong yun.. la na tlga eh 11am klase ko.. d rin ako mkasakay ng fx agad dahil sa kapal ng taong nabuburyong din sa pangyayare... kaya UMUWE NALANG AKO (kila kat) AT NANUOD NG EATBULAGA!!!

Wednesday, January 03, 2007

MMFF.... 2 pelikula lang napanuod ko

2 pelikula mula sa MMFF pa lang ang napanuod ko... Ang Enteng KAbisote 3, at Kasal Kasali Kasalo ni JUDAY.
Sa magkaibang sinehan ko sila pinanuod, ung una ay sa Gateway at ung huli ay sa bluewave marquinton. Trenta pesos lang ang pnagkaiba ng presyo ng 2 sinehan pero anlaki ng diperensya sa sistema... Nawili akong manuod sa gateway cineplex kahit mejo may kamahalan dahil sa sistema ng panunuod doon, pagbili ng tiket may sched ka na agad, kahit sabihing 1 time viewing lang sya ok na rin.. di naman ako yung tipo ng taong inuulit ng 3 beses ang pelikula. Di sila nagpapapasok pag di mo pa sched, meaning walang mga patayo tayo sa sinehan habang nanunuod ka. Saka ung tket na binebenta nila ay sakto lang sa available na upuan..(NO STANDING ROOM)....
Yan naman ang kabaliktaran s bluewave, pagpasok mo sa loob ng sinehan... punuan na, kahit sakto lang ang pagpasok namin sa nakatakdang sked. kaya sa may hagdan na kme naupo, badtrep kase parepareho ng binayad pero iba iba ang sitwasyon ng mga pwet namen... saka isa pang palpak na sistema sa bluewave ay yung pagpapapasok nila sa mga tao kahit madami ng nakatayo at nakaupo s hagdan.. kung sakaling nagksunog nung araw na yun.. di na kme mkakalabas dahil sobrang siksikan sa hagdan. Sana ayusin na ng iba yung sistema ng sine dito sa bansa.... OK lang isipin yung KITA ng sinehan eh, pero sana nandun pa rin ung pagpapahalaga sa manunuod...

Sa kwento naman ng 2 pelikula: (wag mag alala lang spoiler dito)
ENTENG KABISOTE 3: Ito talaga ang gusto kong panuorin, personal choice kumbaga. Mas maganda nga at mas malaki ang produksyon kumpara nung mga nakaraang EK, pero mas ok ung istorya dati. parang nabitin ako sa mga pakwela at drama.. pero syempre ang pelikulang ito ay pambata kaya enjoi n enjoi ako.. hehehehe.
(sana next movie na gagawen ni bossing si JOSE na bida at cameo role lang siya..)

KASAL KASALI KASALO: e2 naman kaya ko pinanuod ay dahil naintriga ako, sya ang sumunod sa EK3 sabox office. ang inaasahan ko kase ay yung SHAKE RATTLE AND ROLL, SUPER NOYPI... TATLONG BARAHA (joke lang.. hehe)
Nung nasa pila na para bumili ng tiket, napag tanto ko na kung bakit... yung mga bata gusto kay enteng pero ang mga nanay gusto kay juday....( sino ba masusunod, nakanino ba napamaskuhan ng mga bata?) Kaya pag pasok sa sinehan 50% ata ng manunuod ay edad 12 pababa..
Hilaw din ang istorya nito, kung nanunuod ka ng mga teleserye, telesine, tsinovela, malamang alam mo na mangyayare sa istorya... ang binayaran mo lang ang tandem ni juday at ryan..
maganda ang pagkaarte ng mga artista.... di nga lang na maximize ang talent nila...
bitin pa ending.... parang gani.....

Monday, January 01, 2007

maligayang bagong taon!!!!!!!!!!


wooohooo!!! HAPPY NEW YEAR!!!!...........
halina't salubungin ang 2007........................

ambahu naman ....


Yun OH!!! gumaganun pa OH!!

fruits fruits fruits.... juicy fruit.....

mga bangenge ng 2007.. huli sa kamera....



2log na!!! tama na piktyur piktyur!!



yeah!!! happy new year!!! rock on!!!




huh?? bat nandito ako??? sino kayo???




tomguts na.. upakan na yan bka upakan pa ng iba!!!!


c ermats habang nagbubukas ng pulang alak!!




grandmother and grandchild